28.7 C
Manila
Lunes, Disyembre 16, 2024

DBM Sec Pangandaman, inaprubahan ang upgrading ng posisyon ng mga pychologists sa gobyerno

- Advertisement -
- Advertisement -

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang pag-upgrade ng mga existing na posisyon ng mga government psychologist upang suportahan ang pagsusulong ng inclusive at epektibong mga mental health programs para sa lahat ng kawani ng gobyerno, sa ilalim ng DBM Budget Circular ( BC) No. 2024-5.

Ang desisyon ay kasunod ng masusing pag-aaral, pagsusuri, at aksyon sa kahilingan ng National Center for Mental Health (NCMH) at ng Department of Health (DOH) sa DBM.

“Magle-level up na po ang salary grade ng ating mga existing psychologists sa gobyerno! I know that is long overdue for our dear psychologists in government, but we are happy that under the term of our President BBM, nagkatotoo na po,” sinabi ni Secretary Mina.

“We all know that prioritizing mental health programs is fundamental to fostering a healthy and productive workforce. The upgrade in psychologist positions in government is an important step toward strengthening our mental health initiatives,” dagdag pa ni Sec. Mina.

Saklaw ng Budget Circular 2024-5 ang lahat ng posisyon ng Psychologist I, II, at III, regular, casual o contractual man ito, full-time, na kasalukuyang umiiral o lilikhain pa lamang sa mga ahensya ng national government, kasama na ang state universities and colleges, at mga government-owned or -controlled corporations, and local government units na covered ng Compensation and Position Classification System sa ilalim ng ‘Compensation and Position Classification Act of 1989,’ as amended.

Nakasaad sa Circular na ang mga post ng Psychologist I ay magkakaroon ng adjusted salary grade mula SG 11 sa SG 16. Para sa Psychologist II, ang salary grade ay itataas mula SG 15 sa SG 18. Samantala, ang salary grade para sa Psychologist III ay ia-upgrade mula sa SG 18 sa SG 20. Magkakabisa ang mga adjustment sa Enero 1, 2025.

Ang desisyon na i-upgrade ang salary grade ng mga psychologist ng gobyerno ay bilang pagkilala sa pagkakaroon ng mas mataas na kwalipikasyon sa pagpasok nila sa gobyerno, tulad ng masters degree at 200 hrs ng internship, at iba pa.

“Ang sahod ay dapat pong iayon sa kwalipikasyon. How can we hire or attract experts or high-caliber personnel if the salary we offer is way below than the pay they deserve? With the upgrading, we hope to be able to recruit more psychologists in the government sector, so we can also develop and enhance mental health of government workers across the bureaucracy,” paliwanag ni Sec. Mina.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -