PERSONAL na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang Office of the Vice President (OVP) Thanksgiving Activity sa San Fernando, Masbate nitong Martes, December 10, 2024.
Sa pangunguna ng OVP – Bicol Satellite Office, umabot sa 100 na puno ang itinanim sa pamamagitan ng PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ng Tanggapan sa Lumbia Elementary School, Barangay Lumbia.
Namahagi rin ng PagbaBAGo Bags sa 75 mag-aaral mula Grades 1 hanggang 6, na naglalaman ng mga school supplies at dental kits para sa programang PagbaBAGo: A Million Learners Campaign.
Umabot sa mahigit 1,000 benepisyaryo mula sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs), dating mga rebelde, at senior citizens ang nakatanggap ng gift packs mula sa OVP.
Lubos na nagpasasalamat ang OVP sa LGU-San Fernando, Masbate, sa pangunguna ni Mayor Byron Angelo Espinosa Bravo, pati na rin sa mga volunteers at katuwang na mga ahensya sa matagumpay na implementasyon ng aktibidad na ito.