ANG ligtas na pamumuhay ng mga Pilipino ang top priority ng pamahalaan, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa 33rd Anti-Terrorism Council (ATC) meeting and year end celebration, kinilala ni PBBM ang mga tagumpay ng ATC at tiniyak ang buong suporta ng administrasyon. Binigyang-diin din niya na, higit sa pagkontra sa terorismo, misyon din ng ATC na magpatupad ng mga programa para palakasin ang kakayahan ng mga lokal na lider at isulong ang diyalogo tungo sa mas ligtas at nagkakaisang bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang : https://pco.gov.ph/OGUOY0