NAGBIGAY pugay si Sen. Robinhood “Robin” Padilla kay dating Sen. Santanina Rasul, na pumanaw nitong Huwebes, Nobyembre 28 sa edad na 94.
Ani Padilla, si Rasul ang unang babaeng Muslim na naglingkod sa Senado ng Pilipinas.
“Inaalala siya bilang isang taga umpisa, tagapagturo, at dedikadong pampublikong lingkod na ang pamana ay kinabibilangan ng mga landmark na batas na nagtataguyod sa mga karapatan ng kababaihan, mga reporma sa edukasyon, at mga pagsisikap sa pagbuo ng kapayapaan,” aniya.
“Nasa Diyos tayo, at sa Kanya tayo babalik,” dagdag ni Padilla, na isa ring Muslim.
Si Padilla ang tagapangulo ng Senate committee on cultural communities and Muslim affairs.