27.5 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

Pangulong Marcos Jr: Yang ganyang krimimal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGPAHAYAG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang sagot sa mga banta at akusasyong binitiwan ni Vice President Sara Duterte matapos na ma-cite in contempt ang kanyang chief of staff na si Zuleika Lopez at magkaroon ng order ang House panel na ilipat siya sa Women’s Correctional Institution sa Mandaluyung City. Narito ang kabuuan ng pahayag ng pangulo.
“Nakakabahala ang mga pahayag na narinig natin nitong mga nakaraang araw.
Nandiyan ang walang pakundangang pagmumura at ang pagbabanta ng planong ipapatay ang ilan sa atin.
“Kung ganun na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na mamamayan?
“Yang ganyang krimimal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas.
Yan ay aking papalagan.
“As a democratic country, we need to uphold the rule of law.
“Ako, bilang pinuno ng executive department, at lahat ng mga nanunungkulan sa pamahalaan, ay may sinumpaang tungkulin na tutupadin at pangangalagaan ang Konstitusyon at ang ating mga batas.
“Kaya hindi tama ang pagpigil sa mga halal ng bayan sa paghahanap ng katotohanan.
“Hindi na sana hahantong sa ganitong drama kung sasagutin lamang ang mga lehitimong katanungan sa Senado at sa House of Representatives.
Ang katotohanan ay hindi dapat i-tokhang.
“Tapos na sana ang usapang ito kung tutuparin lamang ang sinumpaang panata na bilang lingkod bayan ay magsabi ng totoo, at hindi hahadlangan.
Imbes na derechahang sagot, nililihis pa sa kwentong chicheria.
Hangad ko na matuldukan na itong mga pangyayaring ito sa paraang matiwasay at magdadala sa atin sa katotohanan.
“Labindalawang taon din ako nanungkulan sa magkaparehong kamara ng Kongreso. Batid ko ang kapangyarihan iginawad sa kanila ng taumbayan at ng ating Konstitusyon.
“Dahil dito, iginagalang ko ang kanilang gawain bilang isang independenteng sangay ng ating republika
“Kahit ang buong executive branch, lahat ng mga ahensya, ay hindi nakakaligtas at parating sumasailalim sa kanilang masusing pagsusuri.
“Bilang isang bansa, marami tayong mga paghamon na dapat harapin at mga suliraning dapat bigyan ng lunas.
“Sa kabila ng mga pambabatikos, nakatuon ang aking pansin sa pamamahala. Ngunit hindi natin iko-kompromiso ang Rule of Law. Kailangan manaig ang batas sa anumang sitwasyon, sinuman ang tamaan.
“Kaya hindi ko hahayaan magtagumpay ang hangarin ng iba na hatakin ang buong bansa sa burak ng pulitika.
“Igalang natin ang proseso. Tuparin natin ang batas. Alalahanin natin ang mandato na pinagkatiwala sa atin ng milyon-milyon na Pilipino.
Magtrabaho po tayo sa ikauunlad ng Republika ng Pilipinas at para matamo ang Bagong Pilipinas.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -