AYON kay Senador Juan Miguel Zubiri, ang imprastraktura ang susi sa kaunlaran. Sinabi niya ito sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways ngayong Nobyembre 22, 2024, kaninang madaling araw.
Dagdag pa niya, “Dahil dito, buo ang suporta natin sa 2025 budget ng Department of Public Works and Highways, na sumalang sa Senado kaninang madaling araw.
“Above all, nakatutok tayo sa mga flood control projects ng DPWH, para maiwasan ang madalas at matagal na nating problema na matinding pagbaha.
“Itong DPWH budget na po ang huling ahensiya sa ating budget deliberations sa Senado, at sa susunod na linggo ay sisimulan na natin ang amendments sa 2025 General Appropriations Bill.”