NAGSAGAWA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Catanduanes Governor Joseph Cua, ng aerial inspection sa Catanduanes upang masuri ang lawak ng pinsalang idinulot ng Super Typhoon Pepito, at matukoy ang mga pangangailangan sa mga apektadong lugar.
“Walang deadline” at patuloy lang ang suporta ng pamahalaan hangga’t ito’y kinakailangan ng mga tinamaan ng bagyo, hayag ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa evacuation center sa Virac, Catanduanes upang maghatid ng P 50 milyong tulong pinansyal sa provincial government ng Catanduanes.
Ipinangako ni Pangulong Marcos Jr. ang tulong ng gobyerno sa rehabilitasyon ng fiber production industry ng Catanduanes.
Sa isang situation briefing kasama ang pamunuan ng probinsya, tinalakay ang pagsusuri sa pinsalang idinulot ng Super Typhoon Pepito sa lokal na industriya ng abaca. Binigyan din ni PBBM ng direktiba ang DA at DOLE na magtulungan sa pag-alalay sa kabuhayan ng mga magsasakang naapektuhan.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang https://pco.gov.ph/vo7SZi