29.1 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

82% ng populasyon sa Calabarzon, rehistrado na sa PhilSys ID

- Advertisement -
- Advertisement -

MAHIGIT 82% na ng populasyon sa rehiyon ng Calabarzon ang nakapagparehistro na sa Philippine Identification System o PhilSys batay sa tala ng Philippine Statistics Authority(PSA)-Calabarzon hanggang Setyembre 30, 2024.

Sa panayam kay PSA Calabarzon Regional Director Charito Armonia, sinabi nito na batay sa kanilang tala nasa 13.4M na ng populasyon batay sa target nitong 16.4M sa rehiyon ang nakapagrehistro na bagamat marami pa ang walang physical ID.

Kabilang dito ang Cavite -3.4M, Rizal-2.9M, Laguna-2.6M, Batangas-2.6M at Quezon-1.9M.

Layon ng PhilSysy ID o national identification card na magkaroon ng sigurado at maaasahang pagkikilanlan ang bawat Pilipino.

Makakatulong din ito upang magkaroon ng access sa healthcare, financial services at social benefits. Maaari din itong gamitin sa iba’t-ibang serbisyo ng pamahalaan at pribadong sektor at isang mabisang sandata upang mas mapalakas ang seguridad at anti-fraud measures ng bansa.

Ayon pa kay Armonia, patuloy ang kanilang ahensya sa pagbaba at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang makapagrehistro.

Bagamat madami pa ang walang hawak na physical ID, nagbibigay din sila e-PhilID kapag rehistrado na.

“Ang aming tanggapan ay palagiang bukas para sa mga nais magparehistro sapagkat mayroon kaming registration center sa mismong Regional Office sa Lipa City gayundin sa PSA Batangas sa Caedo Complex sa Batangas City,”

“Mayroon din kaming registrations sa lahat ng probinsya. Bukod dito, may mga teams pa rin kaming bumababa patungo sa mga LGUs upang magsagawa ng registration lalo na sa mga far-flung barangays,” ani Armonia.

Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa Department of Social Welfare and Development(DSWD) at National Commission on Indigenous People(NCIP) upang mas maisakatuparan ang rehistrasyon at masiguro na lahat ay makakapagrehistro maging ang mga Indigenous People(IP). Isinasabay na din nila ang pagbibigay ng birth certificate sa mga ito.

Hinihikayat ng PSA Calabarzon ang lahat ng mga hindi pa nakakapagrehistro sa PhilSys na bumisita sa mga registration centers na malapit sa kanilang lugar upang maging rehistrado at magkaroon ng national ID.(MPDC-PIA Batangas)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -