33 C
Manila
Lunes, Nobyembre 18, 2024

DBM, inaprubahan ang pagpapalabas ng P5 B para sa pagpapahusay ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation Program 

- Advertisement -
- Advertisement -

ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na agad tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad na sinalanta ng mga kalamidad, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P5 bilyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Hindi natin maikakaila ang matinding epekto ng climate crisis dito sa Pilipinas. Dumaan ang bagyong Nika, Ofel, Pepito, at maraming pa ang parating. Ang dagdag pondong ito sa DSWD ay para sa ating mga kababayan na apektado ng krisis. Through this, we are sustaining support for vulnerable and marginalized communities. We are bridging the resource gap required for extensive disaster recovery and sustained support throughout the nation,” ani Secretary Mina.

Ang AICS program ay isang kritikal na bahagi ng serbisyo ng DSWD na nagbibigay ng kinakailangang suporta tulad ng medikal, pagpapalibing, transportasyon, edukasyon, at pagkain, kasama ang tulong pinansyal para sa iba pang agarang pangangailangan ng mga indibidwal at pamilyang nasa krisis.

Ang alokasyon ng karagdagang pondong ito ay alinsunod sa special provisions sa 2024 General Appropriations Act (GAA) ukol sa paggamit ng Unprogrammed Appropriations (UA). Pinahihintulutan ng mga probisyong ito ang paggamit ng pondo para sa mahahalagang imprastraktura at social programs, kabilang ang tulong pinansyal para sa mga lubos na nangangailangang mamamayan, batay sa pagkakaroon ng bagong kita o labis na revenue collections.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -