27.2 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

ALS graduate, inspirasyon na ngayon bilang guro

- Advertisement -
- Advertisement -
“Always strive to be a better person.”
“Your mistakes don’t define you.”
“Fall down seven times, stand up eight.”
Ito ang mga mantra ni MJ Irish Bañaga, ngayo’y isa nang ganap na guro, matapos muling bumalik sa pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) sa kabila ng mga naging hamon sa kanyang buhay.
Tumigil sa pag-aaral si Teacher MJ sa loob ng tatlong taon at nag-enroll noong 2016 sa ALS dahil na rin sa pag-uudyok ng kanyang mga dating guro.
Natuturo na ngayon si Teacher MJ sa Sto. Tomas National High School sa Davao del Norte, at nagsisilbi rin siyang inspirasyon sa mga estudyanteng nakakaranas din ng pagsubok sa kanilang buhay.
“Having come from ALS, I now have a deeper understanding of my students, that there is really more to them than just being students. They all have unique personalities and stories to share,” ani Teacher MJ.
Natutuhan niya rin ang kahalagahan ng komunikasyon sa pagitan ng learners at teacher. Sa ganitong paraan, mas madali niyang naiintindihan ang mga kinahaharap na hamon sa buhay ng kaniyang mga tinuturuan.
“I make sure that they’re comfortable sharing their problems with me,” aniya.
Kadalasan siyang nagsasagawa ng home visitations, lalo na sa learners na hindi nakakapasok ng klase. Ginagawa niya ito upang malaman ang kanilang tunay na sitwasyon at makapagbigay ng tulong o solusyon sa kanilang pinagdadaanan.
Hindi lamang nagbukas ang ALS ng maraming pinto para kay Teacher MJ, nagbigay-daan din ito para matupad ang kanyang pangarap, maging epektibong guro, at makapag-bigay inspirasyon sa iba.
“I am who I am today because of ALS. I wouldn’t be successful if I haven’t been able to take that first step, and that first step marked the beginning of a new milestone.”
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -