29.7 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 8, 2024

DOTr: Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension bubuksan na ngayong Nobyembre

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG maagang pamaskong regalo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sanayin ang mga commuters, inihayag ng Department of Transportation (DoTr) nitong Huwebes na magbubukas na ito ng Phase 1 ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) Cavite Extension ngayong buwan.

“We are here to announce the partial opening of the Light Rail Transit Line 1 Extension — this is the Cavite Extension. We will open this line within the next maybe two to three weeks, this is within November,” sabi ni DoTr Secretary Jaime Bautista.

Inanunsyo ni Bautista ang balita sa isang press briefing sa Palasyo ng Malacañan. Aniya, ang Cavite Extension ang magiging unang railway project na matatapos sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

Binuo sa pamamagitan ng Public-Private Partnership, ang unang yugto ay magkokonekta sa Baclaran Station sa Pasay City sa Dr. Santos Station sa Parañaque City. Inaasahang babawasan ang oras ng paglalakbay nang 30 minuto.

Ang extension ay inaasahang magsisilbi ng karagdagang 80,000 pasahero araw-araw.

“We hope that this opening of the extension of Line 1 will help alleviate traffic as it will be able to support thousands of passengers, additional passengers taking LRT Line 1. And this will be our early Christmas gift to the residents of the area,” sabi ni Bautista.

Sinabi ni Light Rail Manila Corp. (LRMC) General Manager Enrico Benipayo na ang Phase 1 ay magsasama ng limang bagong istasyon.

“We are also very much excited to open the line. Again within this month, surely within the month of November we will be able to serve an extended area of the metropolis. Five additional stations, six kilometers, and this will allow people to traverse the alignment within a span of less than an hour,” paliwanag ni Benipayo.

“The total alignment of LRT 1 will be extended from 20 kilometers to 26 kilometers for Phase 1 of the Cavite Extension,” dagdag pa niya. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -