MATAPOS maghatid ng tulong sa limang bayan sa Batangas, ang lungsod ng Tanauan naman ang hinatiran ng tulong ng Office of the Vice President (OVP) kahapon, November 7, 2024.
Sa pangunguna ng mga tauhan ng OVP Disaster Operations Center (OVP-DOC), umabot sa kabuuang 500 pamilya ang nakatanggap ng grocery bags.
Pinuntahan ng OVP-DOC ang Maria Paz Covered Court sa Barangay Maria Paz, na pansamantalang tinutuluyan ng 412 pamilya.
Nagtungo rin ang OVP-DOC sa Queen of All Saints sa Brgy. Balele, na pansamantala namang tinutuluyan ng 88 pamilya.
Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa lahat ng tulong mula sa mga mga pribadong sectors, at sa tiwala na makakarating ito sa lubos na mga nangangailangan mula sa nangyaring sakuna.