26.4 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

DoLE ipinamahagi ang P30-M cash-for-work wages para sa mga manggagawa sa Bicol na naapektuhan ng bagyong Kristine

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG bahagi ng pinaigting na pagsisikap ng pamahalaan na makabangon ang mga lalawigan na matinding naapektuhan ng bagyong “Kristine,” agad na pinangasiwaan ng Kagawaran ng Paggawa ang pamamahagi ng sahod sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Displaced Workers (Tupad) para sa mga manggagawang-benepisyaryo sa Bicol Region.

Pinangunahan ni DOLE Bicol Regional Director Imelda Gatinao (itaas na larawan, kaliwa, nakatayo) ang paunang pamamahagi ng sahod na P30.83 milyon sa 7,249 benepisyaryo na naapektuhan ng bagyong Kristine sa mga munisipalidad sa Albay, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon, at Catanduanes, noong 29-30 Oktubre 2024 sa mga itinalagang lugar sa mga nabanggit na munisipalidad. Nakatakda ang payout para sa emergency employment assistance sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Displaced Workers (TUPAD) ng pamahalaan ay nakatakda mula 28 Oktubre hanggang 05 Nobyembre 2024, hindi kasama ang petsa ng 01, 02, at 03 ng Nobyembre 2024. (Larawan mula sa DOLE Bicol)

Ang programang Tupad ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga manggagawa sa loob ng 10 hanggang 30 araw para sa mga gawaing pangkomunidad, partikular sa panahon ng sakuna at kalamidad, kung saan nabibigyan din sila ng pagkakataon na makatulong sa pagpapabuti at rehabilitasyon ng kani-kanilang komunidad.

Sa ulat ng Department of Labor and Employment sa Bicol, nakatakda ang pamamahagi ng sahod sa ilalim ng emergency employment program ng pamahalaan mula  Oktubre 28 hanggang Nobyembre 5, 2024, hindi kasama ang  Nobyembre 1 hanggang 3, 2024.

Iginawad ang paunang sahod na nagkakahalaga ng P30,833,750.00 sa 7,249 na manggagawang-benepisyaryo na ginanap sa mga itinalagang lugar sa munisipalidad ng Albay, Camarines Sur, Masbate, Sorsogon, at Catanduanes mula Oktubre 29 hanggang 30.

Ayon sa DoLE Region 5, bawat benepisyaryo, na nagsagawa ng iba’t ibang proyektong pang-komunidad, tulad ng cleanup drive, community-based farming initiatives, planting of disaster-resilient crops, at relief goods repacking, ay nakatanggap ng arawang sahod na P395 depende sa bilang ng araw na sila ay nagta-trabaho.

Sabay-sabay na isinagawa ang unang payout noong Oktubre 29 sa Camalig, Albay, na may 818 benepisyaryo ang tumanggap ng kanilang sahod na nagkakahalaga ng P3.2M; sa Lupi, Camarines Sur, 240 benepisyaryo (P948,000); San Jose, Camarines Sur, 248 benepisyaryo (P979,600); San Fernando, Masbate, 384 benepisyaryo (P3.03M); Masbate City at Mandaon, 182 benepisyaryo (P718,900); at San Miguel, Bato, at Virac sa lalawigan ng Catanduanes, 107 benepisyaryo (P422,650).

Isa pang payout activity ang sabay-sabay na isinagawa noong Oktubre 30  sa Camalig, Polangui, Tabaco City, Tiwi, Jovellar, Guinobatan, at Oas sa lalawigan ng Albay, kung saan 4,274 benepisyaryo ang nakatanggap ng kabuuang P16.8M. Sa Masbate City, 182 benepisyaryo ang tumanggap ng sahod na nagkakahalaga ng P718,900; habang 218 benepisyaryo ang nakatanggap ng P1.3 milyong halaga ng sahod sa Catanduanes. Sa Bulusan, Bulan, Irosin, at Gubat sa lalawigan ng Sorsogon, may kabuuang 596 benepisyaryo ang nakatanggap ng P2.6M tulong.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni DoLE Bicol Regional Director Imelda Gatinao na patuloy na ipaaabot ng pamahalaan ang kinakailangang tulong tulad ng pagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ilalim ng Tupad upang matulungan ang mga manggagawa at kanilang pamilya na makabangon mula sa epekto ng sakuna o kalamidad.

“Ipinaaabot ng aming Kalihim na si Secretary Laguesma na handa ang DoLE na tumulong upang suportahan ang mga Bicolano. Alam namin na ang bawat isa sa inyo ay nagsisikap para sa kapakanan ng inyong pamilya. Sa tulong na ito mula sa DoLE, umaasa kaming makakatulong ito upang maibsan ang inyong mga pinansyal na pangangailangan at malampasan ang mga hamon dulot ng nagdaang bagyo,” wika ni RD Gatinao.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -