BUO ang suporta at tulong ng Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya katuwang ang mga National Government Agencies sa mga Micro Small & Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan upang muling makabangon mula sa pagkalugmok dahil sa nakaraang Covid-19 pandemic.
Ayon kay Atty. Michael Paggabao, Department of Trade and Industry provincial director, unti-unti nang nakaka-recover ang mga MSMEs sa lalawigan dahil sa mga programang inilalaan sa kanila upang maipakita sa mga mamimili ang kanilang mga produkto at maibenta ito.
Ayon pa kay Aggabao, natutuwa ang PLGU at mga kaalyado nitong NGAs dahil hindi nasasayang ang mga tulong at serbisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga MSMEs na sumasali sa mga promotional trade fairs sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Ipinagmalaki ni Aggabao ang kinitang mahigit P11.8 million ng 50 MSMEs mula sa pagsali ng mga ito sa Nueva Vizcaya goes to Alabang Trade Fair sa Metro Manila noong nakaraang buwan.
Ang nasabing trade fair ay isang marketing initiative ng Nueva Vizcaya PLGU sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Enterprise and Development Office, Provincial Tourism and Culture Office at nang DTI.
Dagdag pa ni Aggabao na ang pagsali ng mga MSMEs sa Nueva Vizcaya goes to Alabang Trade Fair sa Metro Manila ay siyang naging daan upang muling maipakita ang mga de-kalidad na produkto ng mga Novo Vizcayanos kung saan umani ito ng mga orders at pagtangkilik ng mga maraming mamimili sa loob at labas ng bansa. (BME/PIA NVizcaya)