28.4 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 1, 2024

Mga paalala ng PNP sa publiko para sa mapayapa at ligtas na Undas

- Advertisement -
- Advertisement -

NGAYONG panahon ng Undas, muling nagbigay paalala ang Philippine National Police (PNP) para sa isang mas ligtas na pag-alala sa ating mga yumaong mahal sa buhay.

Payo ng PNP sa mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa sementeryo na siguruhing magdala ng panangga sa init at ulan.

Tiyakin din na ang kandilang nakasindi sa puntod ay hindi makakalikha ng sunog o anumang sakuna.

Paalala din sa publiko na magdala ng sapat na pagkain at inuming tubig.

Para sa mga magdadala ng bata, paalala ng otoridad na tiyakin na may pagkakakilanlan ang mga bata.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdala ng deadly o bladed weapons, gamit pang sugal, speakers, alak at mga paninda.

Mahalaga ring alamin ang lugar ng first aid station at PNP Assistance Desk.

Samantala, payo rin ng PNP na planuhing maigi ang pagdalaw sa sementeryo at ikandado ang mga pinto at bintana ng bahay.

Tiyakin na walang naiwan o nakasinding kandila, naka plug na appliances, bukas na gas stove at gripo.

Paalala rin sa publiko na iligpit ang mahahalagang gamit o bagay sa labas ng bahay at mahalaga ring ihabilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang bahay.

Mahalaga rin na iwasang mag-iwan ng anumang bilin o notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao.

Para sa anumang emergency, i-text o itawag sa 0999-9018181 o 0915-8888181. (JEG/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -