Maging puso sana ng ating pagdiriwang ng Undas ang kahalagahan ng mga santo sa ating paniniwala at ang pag-alaala natin sa mga pumanaw nating mahal sa buhay.
Sa ating mga pagtitipon ay ipagdasal natin ang maluwalhating kapayapaan ng kaluluwa ng mga pumanaw kasabay ng ating pagpapasalamat sa kanilang pagmamahal, gabay, at mga aral na ipinamana nila sa atin.
Alalahanin din natin ang kabanalan ng mga santo na nagpapatatag sa ating pananampalataya sa Diyos.
Idulog natin sa kanila ang ating mga pangamba at manalangin tayo na maibsan sana ang bigat ng ating mga pasanin sa buhay.
Sama-sama rin nating ipagdasal ang kapayapaan at katatagan ng ating bansa sa harap ng mga hamon ng kasamaan, katiwalian, at mga pansariling interes para sa yaman at kapangyarihan ng ilan.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines