PARA makapag-abot ng tulong sa mga naapektuhan ng Super Typhoon Leon, handang mag-airlift ng mga relief goods ang mga air assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon kay AFP Spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla.
Kabilang sa mga makikipagtulungan sa operasyon ang mga aircraft mula sa Indonesia at Brunei, na susuporta sa mga misyon ng Singapore’s C130 at Malaysia’s Eurocopter 725 sa mga nasalantang lugar.
Para sa dagdag na impormasyon, basahin ang: https://pco.gov.ph/hUZhH5