PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Quirino Grandstand ang send-off ng 90 Patient Transport Vehicles (PTVs) patungo sa mga lokalidad ng Bohol, Cebu, Negros Occidental, Northern Samar, Rizal, at Pangasinan bilang pagpapatuloy ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Medical Transport Vehicle Donation Program.
Bahagi ng pagdiriwang ng 90th anniversary ng PCSO, inihayag ni PBBM sa seremonya ang kahilingan sa mga LGU na alagaan at patagalin ang PTVs. Ayon sa Pangulo, ang distribusyon ng emergency vehicles ay tugon ng PCSO sa kanyang panawagan na bumalik sa charity work at siguruhing walang palakasan sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na nangangailangan.
Para sa dagdag na impormasyon,basahin ang: https://pco.gov.ph/lhLfnq