NASA 500 mga Pangasinense ang nabiyayaan ng ayuda ni Senador Lito Lapid sa ilalim ng AICS program ng DSWD ngayong araw, Oktubre 30.
Sa pamamagitan ng opisina ni Sen Lapid, nabiyayaan ng kaukulang ayuda ay mga Senior Citizens, PWDs, single parents at mga estudyante.
Inaasahan ni Lapid na kahit papaano ay makatutulong ang halagang tinanggap ng mga benepisyaryo at gastusin ito sa tamang paraan.
Sa pangunguna nina Dagupan City Vice-Mayor Bryan Kua, Councilor Dennis Canto at Danee Canto, nagpasalamat ang mga benepisyaryo kay Sen. Lapid sa napapanahong ayuda.
Nagpasalamat din si Sen Lapid sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga Dagupeño sa kabila ng papasok na bagyong Leon sa Northern Luzon.