MULING hinikayat ni Senador Cynthia Villar ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga miyembro ng pamilya na magparehistro para sa nalalapit na 13th OFW and Family Summit sa Nobyembre 8, 8:00 a.m. na gaganapin sa The Tent, Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City.
“This year’s theme “Tara Magnegosyo Na!” is timely because of many OFWs are returning home and finding ways to grow their hard-earned money overseas,” ayon to Villar.
“The mindset should not be working abroad for the remainder of their life. There should be a viable plan upon return to the Philippines that would make their earnings abroad grow,” ayon kay Villar na kilalang advocate ng karapatan at kapakanan ng mga migrant workers.
Ang summit ay naglalayon na turuan ang ating mga OFW at kanilang mga pamilya ng financial literacy, na magagamit nila upang mapalago ang kanilang pera sa kanilang sariling bayan.
Bukod sa pagtuturo sa mga OFW at kanilang mga pamilya kung paano ang matalinong pagg-invest ng kanilang mga ipon at lumaki ang kanilang kita, layunin din ng summit na turuan sila kung paano protektahan ang kanilang pinaghirapang pera upang hindi mabiktima ng investment scam, mapanlinlang.
“This special occasion is a way for my family to give back to our OFWs for the many sacrifices that they have done for our nation. Our OFWs and their families continue to attend this event as they are given the opportunities and services provided by our partners in the private and public sector for concerns ranging from access to financial services, social benefits, legal assistance, among others,” dagdag pa ni Villar.
Libre ang registration, at ang mga maaaring magparehistro ay mga OFW at qualified beneficiaries tulad ng mga miyembro ng kanilang pamilya, kanilang asawa at anak, magulang at kapatid.
Ang mga kalahok ay maaaring magparehistro online. Pumunta lamang sa link: https://ofwsummit.villarfoundation.com.ph/ o i-scan ang QR code na. nakapost sa online at sa harap ng flyer/poster at sundin ang mga tagubilin na ito.
Ayon kay Villar, maaari rin silang pumunta sa OFW & Family Summit Desk sa Vista Mall at Starmall branches nationwide. Maaari silang magparehistro on site sa Nobyembre 8 (Biyernes).
Upang makasali sa raffle draw, kailangang nakarehistro ang isa. Kabilang sa mga premyo sa raffle, Camella house and lot, Kawasaki Motorcycles, Allhome Appliances, at Kabuhayan showcases mula sa AllDay.
Sa mga sumali sa nasabing okasyon, pinaalalahanan sila ng senador na dalhin ang passport at working visa ng OFW, proof of remittances, Seaman’s Book, job contract, kopya ng mga dokumento bilang patunay na sila ay kamag-anak ng OFWs.