DAGDAG oportunidad at mas matatag na ekonomiya ang hatid ng Laguindingan International Airport Public-Private Partnership Project, na magpapataas ng kapasidad ng airport mula 1.6 milyong pasahero kada taon sa 3.9 milyon sa unang bahagi, at 6.3 milyon sa ikalawang bahagi ng proyekto.
Sa paglagda ng project concession agreement, na iginawad ng DoTr at Civil Aviation Authority of the Philippines sa Aboitiz InfraCapital Inc., binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangako ng administrasyon na suportahan ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng Northern Mindanao. Dagdag pa niya, ang proyekto ay pagsasakatuparan din ng misyon ng pamahalaan na pahusayin ang airport facilities at services ng bansa.
Para sa dagdag na detalye, basahin ang: https://pco.gov.ph/dUGH1u