“Nagpapasalamat kami sa private sector dahil madami ngayon ang gusting tumulong galing sa private sector.”
Ito ang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang panayam sa media tungkol sa mga donasyon na ibinibigay para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Relief operations sa Camarines Sur
Umabot na sa mahigit 2,000 na mga pamilyang apektado ng bagyong Kriistine ang nabigyan ng food bags sa Pamplona Centro at Libmanan, Camarines Sur ngayong araw, October 27, 2024.
Bumyahe ang OVP Disaster Operations Center patungong Joint Task Force Bicolandia para sa final coordination sa mga susunod pang relief operations sa ibang parte ng Bicol Region.
Ginanap ang preparing and re-packing ng mga donated goods na ipinaabot sa pamamagitan ng Office of the Vice President upang ibahagi sa mga biktima ng bagyong Kristine nitong October 26, 2024.
Sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center, umabot sa mahigit 378 na mga pamilya sa Pamplona, Camarines Sur ang nabigyan ng grocery packs mula sa mga donasyon ng mga private sectors.
Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa lahat ng mga donasyon mula sa iba’t ibang mga private sectors, at sa tiwalang ipinagkaloob na maihatid ang mga ito sa ating mga kababayang lubos na naapektuhan ng bagyong Kristine.
OVP relief operations sa Bicol
Dumating na sa Bicol ang mga relief at food boxes mula sa Office of the Vice President para sa ginawang Relief Operations sa probinsya para sa mga nasalanta ng Typhoon Kristine.
Inihanda ng mga kawani ng OVP Disaster Operations Center ang mga food boxes, assorted canned goods at 200 sacks of rice na ipamimigay sa mahigit 5,000 pamilyang apektado sa Bicol region.
Relief operations sa Pangasinan
Nagsagawa ang Office of the Vice President ng Relief Operations sa mga pamilyang apektado ng bagyong Kristine sa Pangasinan nitong October 25, 2024.
Sa pamamagitan ng OVP-Pangasinan Satellite Office, umabot na sa mahigit 500 na mga pamilya na kasalukuyang nasa anim na evacuation centers mula sa Bayan ng Lingayen at Binmaley, Pangasinan, at Dagupan City ang nabigyan ng tulong.
Karamihan sa mga benepisyaryo ay nasa low-lying areas at malapit na coastal areas ng probinsya na lubhang naapektohan ng bagyo.
Tulong sa mga apektadong pamilya sa Batangas
Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Krisine sa bansa, nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa 700 na mga pamilyang nalubog sa baha sa Lipa City, Batangas nitong October 25, 2024.
Sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center, nabigyan ng Food Boxes ang 350 pamilya sa Barangay Halang, 300 pamilya sa Balintawak, at 50 na pamilya sa Pinagtungulan.
Naglalaman ang mga food bags ng bigas, noodles, at canned goods.