PUMASOK na ang Tropical Storm Kong-Rey sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kagabi, Sabado, Oktubre 26, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Sinabi ng ahensya na si Kong-Rey, na binigyan ng lokal na pangalang ”Leon,” ay lumipat na sa loob ng PAR alas-7:30 ng gabi.
Alas-10 ng gabi, nakita si Leon sa layong 1,355 kilometro silangan ng Central Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 km/h at pagbugsong aabot sa 80 km/h.Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 km/h.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 km/h.
- Advertisement -