27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Rehabilitasyon ng Manila Bay, isinusulong ng DENR-MEO

- Advertisement -
- Advertisement -
ANG DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – North ay aktibong nagsusulong ng programa ng rehabilitasyon ng Manila Bay, at isa sa kanilang pinakahuling hakbang ay ang pagsasagawa ng oryentasyon para sa mga bagong Estero Rangers.
Ang orientation program ay nagbigay ng komprehensibong pagsasanay sa mga layunin at istratehiya nang nasabing rehabilitasyon, na naglalayong ibalik ang ekolohikal na kalusugan ng look at ang mga nakapaligid na daluyang-tubig nito. Kabilang sa mga pangunahing paksa ang wastong pamamahala ng basura, pagsubaybay sa kalidad ng tubigcommunity outreach, at maging ang biodiversity conservation.
Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pagsasanay na isinagawa, natutunan nila hindi lamang ang mga teknikal na aspeto ng kanilang trabaho kundi pati na rin ang tamang pakikisalamuha sa mga komunidad para sa mas malawak na epekto ng kanilang mga inisyatiba, na makatutulong din bilang boses sa pagtataas ng kamalayan at pagpapalawig ng kaalaman pagdating sa environmental stewardship.
Ang mga Estero Rangers ay may mahalagang papel sa pagsisikap na panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig, lalo na ang mga daluyang-tubig na konektado sa Manila Bay. Sila ay bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaan sa pangunguna ng DENR upang labanan ang polusyon sa tubig at protektahan at pangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman, sa kabuan.
Bilang bahagi ng MBRP, ang DENR-NCR ay nakatuon sa pagpapanumbalik ng natural na kagandahan at ekolohikal na balanse ng daluyang-tubig, na tinitiyak na ito ay nananatiling isang mahalagang resources para sa kasalukuyan at hinaharap na mga henerasyon.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -