30.8 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Kapanganakan nina Juan at Antonio Luna ipinagdiriwang ngayon at sa Okt 29

- Advertisement -
- Advertisement -
ANG National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ay nagsasara ng buwan ng Oktubre sa pagdiriwang ng anibersaryo ng kapanganakan ng dalawang makabayan: Juan Luna ngayon, 25 Oktubre, at Antonio Luna sa 29 Oktubre.
Sa pamamagitan ng kanyang mga pagpipinta, ipinakita ni Juan Luna na ang mga Pilipino ay kasing dakila ng sinumang tao sa mundo. Kalaunan, nagsilbi siya bilang bahagi ng kawani ng tanggapang diplomatikong ng Unang Republika ni Felipe Agoncillo sa Paris, France.
Samantala, habang nag-aaral upang maging isang parmasyutiko, isinulat ni Antonio Luna ang kanyang mga obserbasyon sa lipunang Espanyol sa repormistang pahayagan na La Solidaridad. Kalaunan ay sumapi siya sa hukbo ng Pilipinas matapos ideklara ang ating kalayaan, pinangunahan ang paglalathala ng La Independencia, at lumahok sa Kongreso ng Malolos.
Ipagdiriwang ang mga anibersaryo sa pamamagitan ng  pag-aalay ng mga korona sa NHCP Museo nina Juan sa Antonio Luna sa Badoc, Ilocos Norte.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -