28.7 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 21, 2024

Ika-163 anibersaryo ng kapanganakan ni Leon Apacible, ginunita

- Advertisement -
- Advertisement -
SA gitna ng sama ng panahon, ginunita pa rin ang ika-163 anibersaryo ng kapanganakan ni Leon Apacible sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanyang busto sa NHCP Museo nina NHCP Museo nina Leon at Galicano Apacible sa Taal, Batangas.
Nagsilbi siyang kanang kamay ni Hen. Miguel Malvar noong panahon ng pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas. Hinirang siya ni Pangulong Emilio Aguinaldo bilang opisyal ng pananalapi ng Batangas at naging isa sa mga kinatawan sa Kongreso ng Malolos at isa sa mga pumirma sa Konstitusyon ng Unang Republika.
Sa pagtatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bumalik si Leon sa pagiging sibilyan at naging mangangalakal. Namatay siya noong taong 1901 sa edad na 40.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -