32.1 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Bagyong Kristine inaasahang lalabas na ng PAR pero posibleng bumalik ayon sa PAGASA

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON sa pinakahuling ulat ng PAGASA, inaasahang lalabas na ang bagyong Kristine ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes ng hapon. Ang bagyo, na nananalasa sa Bicol Region at Luzon at kumitil sa buhay ng may 20 katao, ay posibleng bumalik sa PAR kung mahihila ng paparating na bagong bagyo na tatawaging Leon.

Bagaman inaasahang lalabas ng PAR si Kristine, isang low pressure area (LPA) ang nabubuo sa silangan ng northeastern Mindanao na inaasahang magiging bagyo pagpasok sa PAR. Sa kasalukuyan, namamataan ito 2,295 kilometro sa labas ng PAR.

Ayon sa PAGASA, “There is a developing forecast situation wherein Kristine will be looping over the West Philippine Sea on Sunday (October 27) and Monday (October 28) and move eastward or east northwestward towards the general direction of the PAR region.”

Fujiwhara effect
Ayon sa mga meteorologist, nakasalalay ang galaw ng bagong LPA kung magiging bagyo kung mahahatak nito pabalik sa PAR ang bagyong Kristine. Ang tawag sa galaw na ito ay Fujiwara effect kung saan ang “interaksyon” ng dalawang bagyo ay depende umano sa magiging lakas at distansya ng mga ito sa isa’t isa.


Magyayari lamang umano ang Fujiwara effect, ayon sa Hong Kong Observatory, kung may layong 1,350 kilometers sa isa’t isa ang dalawang bagyo.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -