NANANATILING nakatutok ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) sa mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine.
Higit P55 milyon ang inilaan para sa mga food at non-food items, habang higit sa 7,900 pamilya ang sinerbisyuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga evacuation centers.
Ang Department of Health naman ay nagbigay ng health commodities na nagkakahalagang halos P650,000, at naglaan ng halagang P25 milyong prepositioned logistics upang masiguro ang kalusugan ng mga apektadong pamilya.