27.2 C
Manila
Huwebes, Oktubre 24, 2024

Sa 38 posibleng hotspots sa eleksyon, karamihan ay nasa BARMM 

- Advertisement -
- Advertisement -

SA papalapit na 2025 midterm elections sa bansa, mahigpit na sinusubaybayan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 38 posibleng hotspots sa eleksyon na karamihan ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, “Magkakaroon tayo ng espesyal na pulong sa Nobyembre 15 upang talakayin ang contingencies on what must be done to ensure safe and fair elections for everyone there.”

Ano ang election hotspots?

Ang election hotspots ay mga lugar na itinuturing na mayroong mataas na posibilidad ng karahasan o gulo tuwing panahon ng eleksyon.

Karamihan sa mga ito ay may kaugnayan sa kasaysayan ng labanan sa mga pulitiko at mga isyu sa seguridad. Sa kasalukuyan, 27 sa 38 na hotspots na ito ay matatagpuan sa BARMM, na kilala sa mga kumplikadong sitwasyon sa politika at seguridad.


 Bakit sa BARMM?

Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay isang rehiyon na kilala sa mga komplikadong isyu sa seguridad at pulitika, kaya ito ay itinuturing na isa sa may mataas na panganib sa mga halalan.

Ang mga dahilan kung bakit maraming election hotspots sa BARMM ay dahil sa kasaysayan ng karahasan, pagkakaroon ng armadong grupo, kakulangan sa seguridad, political rivalries at cultural factors.

Dahil sa mga salik na ito, ang DILG at Comelec ay nagbibigay ng espesyal na atensyon sa BARMM upang matiyak ang isang ligtas at maayos na halalan sa 2025.

- Advertisement -

Ang kalagayan sa Albuera, Leyte

Isa sa mga pangunahing lugar na binabantayan ay ang Albuera, Leyte, kung saan naitalang mga insidente ng karahasan.

Ayon kay Remulla, “Tinitingnan namin ang sitwasyon sa Albuera, kung saan may mga naitalang insidente ng ‘casualties.’ Noong Oktubre 15, isang tagasuporta ng mayoralty candidate na si Kerwin Espinosa ang pinaslang sa Barangay Tinag-an.

Si Espinosa, na kilala sa mga kontrobersyal na alegasyon ng drug trafficking, ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente.

Eleksyon 2025 at Local Source Code Review

Ang Commission on Elections (Comelec) ay nagpahayag ng mahalagang hakbang sa paghahanda para sa 2025 midterm elections sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Local Source Code Review (LSCR).

- Advertisement -

Ano ang LSCR (Local Source Code Review)?

Ang Local Source Code Review (LSCR) ay isang proseso na isinagawa ng Commission on Elections (Comelec) upang suriin ang mga source code ng automated election system (AES) na gagamitin sa mga halalan.

Ang pangunahing layunin ng LSCR ay matiyak ang transparency at integridad ng mga sistema na gagamitin sa eleksyon. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa source code, ang mga stakeholder, kabilang ang mga political parties at mga grupo, ay may pagkakataon na suriin at tiyakin na ang mga system ay gumagana nang maayos at walang kahina-hinalang bahagi.

Ang LSCR ay sumasaklaw sa source codes ng lahat ng sistema na gagamitin sa eleksyon, kabilang ang:

Full Automation System, Election Management System, Automated Counting Machines (ACMs), Consolidated Canvassing System, Secure Electronic Transmission Services at Online Voting and Counting System.

Ayon sa Comelec, ang LSCR ay tatagal ng dalawang buwan. Sa panahong ito, maaaring makilahok ang mga political parties at iba pang grupo upang suriin ang mga code.

Ang proseso ay mahalaga upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa sistema ng eleksyon. Ang pagkakaroon ng ganitong pagsusuri ay nakakatulong upang maiwasan ang mga alegasyon ng pandaraya o katiwalian.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, “Ang pinaka-mahalaga ay ang transmission ng mga resulta.”

Pagpapaigting ng seguridad

Ayon kay Remulla, “may mga espesyal na hakbang kami upang maglagay ng marshals sa mga tren at upang palakasin ang police visibility sa lahat ng pampublikong lugar.”

Ang mga inihandang hakbang para sa seguridad ay hindi lamang limitado sa mga eleksyon kundi pati na rin sa mga kaganapan sa holiday season.

Sa papalapit na 2025 midterm elections, ang mga hakbang na ito ng DILG at Comelec ay mahalaga upang matiyak ang kaayusan at seguridad sa halalan. Ayon kay Remulla, ang layunin ay magkaroon ng “zero casualties” sa mga eleksyon at “mag enlist ng tulong mula sa lahat ng ahensya.”

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -