29.7 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

Coast Guard District Bicol patuloy ang pagresponde sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

- Advertisement -
- Advertisement -
SA kabila ng patuloy na pagsama ng panahon dulot ng Bagyong Kristine,  tuloy tuloy pa din ang pag-dispatch ng mga Deployable Response Groups ng Coast Guard District Bicol upang rumesponde sa mga apektado ng nasabing bagyo ngayong araw, ika-23 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing grupo ay isa sa mga dagdag pwersa na ipinadala para matugunan ng suporta at tulong ang mga nangangailangan sa rehiyon.
Nananatili ding naka standby at alerto ang ilan pang Deployable Response Groups (DRGs) ng Coast Guard District Bicol kasama ang mga Station at Sub-Stations nito upang agarang mai-deploy kapag kinakailangan.
Samantala, nagsagawa ng clearing operations ang Coast Guard District Bicol (CGDBCL),  sa mga pangunahing kalsada ng Legazpi City, Albay, ngayong araw, ika-23 ng Oktubre 2024.
Nagtumbahan ang mga puno sa naturang lungsod dulot ng malakas ng hangin sa kasagsahan ng Bagyong Kristine.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -