IPAKITA na ang iyong pagiging malikhain at talento sa inobatibong paglikha. Sali na sa ‘Isang Bituin, Isang Mithiin: National Parol Making Competition.’
Bukas ang kompetisyon para sa lahat ng Public Secondary Schools (Senior High Schools) sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Tema ng kompetisyon ngayong taon ang “Harmonies of Hope: Illuminating Filipino Resilience” na layong itampok ang pagkakaisa at pag-asa ng mga Pilipino sa kanilang komunidad at sa buong bansa, sa kabila ng mga pagsubok.
Alamin ang guidelines at mechanics ng kompetisyon sa mga card sa ibaba.
Ang proyekto ay pangungunahan ng Social Secretary’s Office.