MAHALAGA ang aktibidad na isinagawa ng DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – North para sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga opisyal at kawani ng Barangay 20 patungkol sa R.A. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 noong ika-4 ng Oktubre.
Bahagi rin ng talakayan ang mga usapin sa kasalukuyang estado ng Manila Bay at ang pagdating sa pagbabago ng klima. Ito ay dinaluhan ni Punong Barangay Roel Alunan Esmaña na nagpaabot ng lubos na pasasalamat sa pagkakataong mabigyan sila ng dagdag kaalaman patungkol sa mga batas pangkapaligiran.
Aniya, ang mga inisyatibong tulad ng tree planting, gardening, at cleanup activities na kanilang isinasagawa ay hindi lamang nakatutulong sa kalikasan kundi nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga miyembro ng komunidad na makilahok at magkaroon ng responsibilidad pagdating sa tinatawag na environmental stewardship.
Ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Communication, Education, and Public Awareness campaign, na patuloy na isinasagawa ng DENR National Capital Region katuwang ang mga MEOs nito, ay isang susi upang maitaas ang kamalayan at makilahok ang bawat miyembro ng komunidad sa pagprotekta, pangangalaga, at wastong pamamahala ng kapaligiran at likas na yaman.