27.4 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

DBM, WB nagpulong tungkol sa pagpapalawig ng Disaster Risk-Based Budgeting

- Advertisement -
- Advertisement -
NAKIPAGPULONG ang Department of Budget and Management (DBM) sa World Bank (WB) upang talakayin ang pagpapalawig ng Disaster Risk-Based Budgeting (DRBB) noong ika-16 ng Oktubre 2024.
Sa tulong ng DBM, layon ng WB na magbigay ng technical assistance sa mga mambabatas patungkol sa wastong paggamit ng DRBB pagdating sa policy-making at emergency procurement services, partikular na sa panahon ng sakuna.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Technical Working Group on Emergency Procurement and Legislative Agenda sa ilalim ng pamumuno nina Undersecretary Janet Abuel at Assistant Secretary Romeo Matthew Balanquit.
Dumalo rin sa pulong ang iba pang mga kinatawan mula sa DBM at GPPB-TSO.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -