27.2 C
Manila
Sabado, Enero 18, 2025

Eroplanong papel

- Advertisement -
- Advertisement -
MAIHAHALINTULAD noon ang mga pangarap ni Efrellyn Ramirez Tagose II, isang ALS Passer, sa isang eroplanong papel, bagamat matayog ang lipad, kusa ring bumabagsak sa lupa dahil hindi gawa sa matibay na pundasyon.
Efrellyn Ramirez Tagose II, isang ALS Passer
Bago pa makapasok sa Alternative Learning System (ALS) program ng Department of Education (DepEd), dumaan na si Efrellyn sa maraming pagsubok, at isa na rito ang pagiging isang batang ina. Hindi madali ang mag-alaga ng anak nang mag-isa, pero dahil sa tibay ng loob at determinasyon, napagtagumpayan niya ito. Habang pinapatulog ang anak, madalas siyang gumagawa ng mga eroplanong papel, at dito niya naisip na balang araw, gusto niyang sumakay at magtrabaho sa isang sikat na airline company.
Pamilya ni Efrellyn Ramirez Tagose II, isang ALS Passer
Ang ALS ang nakitang susi ni Efrellyn sa katuparan ng kaniyang mga pangarap. Nag-enroll siya sa ALS-Poblacion Tboli sa tulong ng kanyang dating guro. Hindi naging madali ang kanyang pag-aaral dahil kailangan niyang hatiin ang oras upang gampanan ang dalawang mahalagang papel niya sa buhay, isang responsableng ina, at isang determinadong mag-aaral. May mga pagkakataong dinadala niya ang anak sa klase dahil walang mag-aalaga, at ayaw niyang lumiban. Minsan din niyang nakakatuwang ang mga kamag-aral sa pag-aalaga ng bata tuwing isasama ito sa klase. Naging inspirasyon si Efrellyn sa kaniyang mga kamag-aral dahil pinamalas niya na kailan man hindi hadlang ang pagiging batang ina upang magpursigi at makatapos sa pag-aaral.
Noong 2018, matagumpay na naipasa ni Efrellyn ang kaniyang Accreditation and Equivalency (A & E) exam at agad siyang nag-enroll sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. Unti-unti na niyang naabot ang katuparan ng kanyang mga pangarap sa loob ng apat na taon ng pagsusumikap at tiyaga sa pag-aaral. Sa kasalukuyan, hindi na eroplanong papel kundi totoong eroplano na ang sinasakyan niya bilang flight stewardess.
Tunay ngang kasing taas ng lipad ng eroplano ang kanyang mga pangarap. Lubos ang kanyang pasasalamat sa programa ng ALS dahil isa siya sa mga natulungan nito. Dahil sa ALS, laging may pag-asa.”
Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Department of Education
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -