NILAGDAAN na ngayong araw, Oktubre 18, 2024, ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ARAL Law o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act.
Isang priority measure, minamandato at binibigyan ng angkop na suporta ng ARAL Law ang libreng tutorial sessions mula Kindergarten hanggang Grade 10, kasama ang mga mag-aaral na pansamantalang tumigil noong pandemya at nais bumalik sa pag-aaral, upang matutukan ang kakayahan sa mga pangunahing subjects na reading, math, at science.