31.9 C
Manila
Linggo, Nobyembre 24, 2024

Sen Bong Go: Huwag nating sayangin ang laban kontra droga

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINABAHALA ni Senator Bong Go ang pamamayani ng mga drug lord at iba pang kriminalidad, kung magpapatuloy ang imbestigasyon laban sa war on drugs na kampanya noon ni dating presidente Rodrigo Duterte, gayong mas pinaigting nito ang peace and order sa bansa.



Sa isang ambush interview nitong Lunes, October 14, ipinahayag ni Senator Bong Go na lumalakas lang ang loob ng mga drug lord, kung patuloy na babaliktarin ang epekto ng anti-drug war sa Pilipinas. Aniya, kung bumalik ang iligal na droga, babalik ang korapsyon sa gobyerno, at babalik din ang kriminalidad.

Ayon sa Pulse Asia survey noong June 2018, halos 70% ng Pilipino ang nagsabi na most significant achievement ng administrasyong Duterte ang War on Drugs.

Sa datos naman ng Department of the Interior and Local Government, bumaba ng 73.76% ang crime rate sa Pilipinas sa loob ng limang taon na panunungkulan ni dating Presidente Rodrigo Duterte.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -