29.1 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Mga volunteer ng ASEZ WAO bumisita sa DSWD Nayon ng Kabataan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGHATID ng araw na puno ng pagmamahal at paglingap ang mga volunteers ng ASEZ WAO sa mga bata matapos silang bumisita sa DSWD Nayon ng Kabataan sa Mandaluyong City.


Sa ilalim ng temang, “Sharing love with neighbors,” isinakatuparan ng 40 ASEZ WAO volunteers ang layunin na ilaan ang kanilang oras upang magbigay saya sa higit 70 na mga kabataang edad 10 hanggang 17. Ito ay alinsunod sa hangarin ng organisasyon na magbigay suporta sa 17 UN Sustainable Development Goals na sumisiguro sa maayos na kapakanan ng mga kabataan.

Ang ASEZ WAO ay isang pandaigdigang grupo ng volunteers na binubuo ng mga kabataang
propesyonal na miyembro ng World Mission Society Church of God. Ang nasabing organisasyon ay naglalayon na iparamdam ang pagmamahal ng Diyos Ina sa pamamagitan ng mga idinaraos na boluntaryong serbisyo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Social Welfare Officer Lawrenz Reyes, ang maiksing panahong pinagsaluhan ng ASEZ WAO kasama ng mga bata ay malaking tulong upang bigyang kasiyahan ang mga residente sa Nayon ng Kabataan. “They are hands on in our residents. Despite the numbers of residents who participate in this event, they are very attentive to address the needs of our participants,” dagdag pa nito.

Nagdaos ang ASEZ WAO ng ilang mga palaro kasama ang mga bata at naghatid din ng mga donasyon gaya ng mga laruan at school supplies. Kaugnay nito, nagbigay rin ng saya sa mga kabataan ang magic show na isinagawa kasabay ng kanilang pagsasalo-salo sa tanghalian
kasama ang mga volunteers. Inaliw rin ng mang-aawit na si Sofia Cayangyang ang mga bata sa pamamagitan ng pagtatanghal bago matapos ang programa.

Bilang pagsuporta, dumalo si Konsehala Mariz Manalo at nagbigay ng mensahe para sa mga bata at sa ASEZ WAO. "I just want to congratulate you for making a step to make the world a better place and I’m happy and it’s an honor to work with you and collaborate with you in any
way I can. And I look forward to doing more good things and anything that I could help,” bigyang diin pa ng konsehala.

Upang mas pagtibayin ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa ASEZ WAO, nagpahatid ng donasyon sina Mayor Benjamin Abalos Sr., Konsehal Antonio Suva, Jr. mula sa unang distrito, Konsehala Mariz Manalo, Konsehal Benjie Abalos III, Konsehala Leslie Cruz, Konsehal Reginald Antiojo, Konsehal Michael Cuejilio, at Konsehal Alex Sta. Maria mula sa ikalawang distrito. Ito ay nagsilbing suporta upang maayos na maisakatuparan ang naganap na
programa.

Samantala, patuloy ang masigasig na pangunguna ng mga boluntaryo ng ASEZ WAO hanggang sa pagtatapos ng aktibidad. Para kay Rave Domecillo, isa sa mga volunteer, ang pakikilahok sa outreach program ay paraan upang makapagbigay pabalik sa komunidad. “I think
the event is not just about giving toys, but it is about giving love,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -