NGAYON, Oktubre 16, ay ipinagdiriwang ang Acheology Day. Alam mo ba na si Jose Rizal ay may passion sa archeology?
Sa Facebook page ng NHCP Museo ni Jose Rizal Dapitan, narito ang kuwento ng pagkagusto ni Dr. Rizal sa arkeolohiya.
Noong ipinatapon si Jose Rizal sa Dapitan noong taong 1892 hanggang 1896, natuklasan niya ang isang pook ng sinaunang libingan sa burol na tinatawag na “Lumanao” na matatagpuan di-kalayuan sa kabayanan ng Dapitan. Sa pook na iyon nakakita siya ng mga piraso ng porselana na nagmula sa Tsina, medalyang tanso, at isang singsing. Ang isinagawang pagsiyasat ni Rizal sa burol ng Lumanao ang nagturing sa kanya bilang isa sa kauna-unahang arkeologo ng ating bansa.