ALAM niyo ba na hindi lahat ng asong may rabies ay agresibo o parang nauulol? Maaaring may rabies ang isang aso kahit wala ito ng mga pangkaraniwang sintomas.
Maiging alamin ang mga senyales ng rabies para maprotektahan ang iyong pamilya at mga alagang aso. Kung may aso na pinaghihinalaang may rabies, iwasan ito at agad ireport sa inyong
barangay.