NAKIISA ang Office of the Vice President (OVP) sa isinagawang coastal clean-up na pinangunahan ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) 109th Squadron sa Binangonan Port, Pritil Wharf, Binangonan, Rizal nitong October 5.
Kasamang naglinis ng mga basura ang mga tauhan ng Disaster Operations Center (DOC) sa coastal area ng Barangay Libis, Binangonan, Rizal, upang makatulong na mabawasan ang mga basura na bumabara sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng social responsibility ng Taggapan at pagsusulong sa pangangalaga ng kapaligiran upang tumugon sa hamon ng climate change.