26.9 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Mga dahilan kung bakit bumaba ang Consumer Price Index inflation

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMABA ang inflation rate sa pinakamababa nitong antas mula noong Disyembre 2019. Ano-ano ang mga nag-ambag sa pagbagsak na ito ng Consumer Price Index (CPI) inflation?

Bumulusok ang year-on-year (YOY) inflation sa 1.9% noong Setyembre, mas mababa kaysa sa 2.5% median na inaasahan ng mga analysts at mas mababa kaysa sa 2%-2.8% range na inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito ang pinakamababang na antas ng YOY inflation sa halos apat na taon, mula noong Disyembre 2020.

Halos lahat ng kategorya ng commodities ay nakaranas ng bagsak-inflation.

Una at pinakamalaking dahilan–ang pagkain. Bumaba ang YOY food inflation mula 6.7% noong Hulyo, 4.2% noong Agosto at sumadsad sa 1.4% noong Setyembre. Halos lahat ng kategorya ng pagkain ay nakaranas ng bawas-presyo dahil naka-recover ang supply mula nang nanalasa ang Typhoon Carina at Habagat noong Hulyo. Ang inflation ng  bigas ay bumaba sa 5.7% mula sa 14.7% at ang karne sa 3.6% mula sa 4.0%.  Nakaranas naman ng negatibong inflation ang gulay na bumaba ng 14.7%, asukal na bumaba ng 3.8% at isda na bumaba ng 1.2%. Tanging umakyat ang gatas na malaking bahagdan ay inaangkat sa labas ng bansa.

Tumaas ang import volume ng bigas ng 19%, mula 2.35 milyong metric tons (MTM) sa 2.804 MTM noong unang walong buwan ng 2024. Rumatsada ang importasyon dahil sa  pagtapyas sa taripa sa 15% mula sa 35%.


Patuloy ang pag-normalisa ng presyo ng bigas sa world market. Bumaba ang export price ng Thailand white rice 5% brokens sa $580/MT noong Setyembre mula sa $592 noong Agosto. Lalo na noong unang linggo ng Oktubre nang bumaba pa ito sa $509/MT dahil tinanggal ng India ang export ban sa non-Basmati rice.

Sinabayan ng non-food ang pagbulusok ng presyo ng pagkain na bumaba mula 3.1% noong Hulyo, 2.9% noong Agosto at 2.3% noong Setyembre. Malaki ang ambag ng transport na bumaba ng 2.4% dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa $73.24/MT noong Setyembre mula $80.09/MT noong Agosto.  Nahanginan ang presyo  nito ng paghina ng demand sa China na nakadadanas ngayon ng economic slowdown.

Ganoon din ang housing at utilities kung saan bumaba ang inflation sa 3.2% mula sa 3.8% noong nakaraang buwan. Dahan-dahang bumaba ang inflation ng clothing at footwear, household furnishings, health at information and communication.

Sinabayan din ng month-on-month (MOM)  inflation ang galaw ng YOY inflation.  Mula sa 0.7% noong Hulyo, bumagsak ito sa 0.1% at bumaba ng -0.2% noong Setyembre.  Pinakamalaking tapyas sa inflation ang naitala sa gulay (-9.7%) na hindi naapektuhan ng bagyo noong Setyembre, karne (-0.7%) at asukal (-0.2%). Patuloy ang pagbaba ng MOM inflation ng isda (2%), gatas (1.2%) , at bigas (0.1%).

- Advertisement -

Sa non-food category naman,  biglang naging negatibo ang MOM inflation sa -0.2% dahil sa lakas ng sipa ng -1.3% MOM inflation na naitala ng transport. Sa ibang mga kategorya, naitala ang 0.2% MOM inflation sa housing, water, electricity and other fuels; health; at furnishings, household equipment. at health. Nanatiling hindi gumagalaw ang information and communication.

Dahil sa pagbaba ng inflation, maaari nang tapyasan nang malakihan ang interest rates ng bansa. Ito ang hudyat ng pagpasok ng mas maraming investment  at paglikha ng bagong trabaho. Sa kabilang dako, ang pagdausdos ng inflation ang hudyat ng muling pagbalikwas ng consumption na natapyasan ng 2.9% noong ikalawang quarter. Sasalubungin ng Pasko at Bagong Taon ang pagratsada ng ekonomiya  ng Pilipinas. 

CONSUMER PRICES
    In Percent       Year-on-year (YOY) Month-on-month (MOM)
 
  Jul Aug Sep Jul Aug Sep
ALL ITEMS 4.4 3.3 1.9 0.7 0.1 -0.2
             
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 6.0 3.9 1.4 0.7 0.0 -0.5
    Food 6.7 4.2 1.4 0.7 0.1 -0.5
       Rice 20.9 14.7 5.7 -0.3 -0.5 0.1
       Meat 4.8 4.0 3.6 1.0 -0.4 -0.7
      Fish -0.8 -3.1 -1.2 -0.2 -0.2 2.0
      Milk 1.8 3.2 4.0 0.6 1.7 1.2
     Vegetables 6.1 -4.3 -15.8 5.0 3.2 -9.7
     Sugar -3.4 -3.8 -3.8 -0.3 0.3 -0.2
             
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO     3.4     3.3     3.1 0.0 0.1 0.2
             
NON-FOOD 3.1 2.9 2.3 0.7 0.7 -0.1
III. CLOTHING AND FOOTWEAR 3.1 3.0 2.9 0.2 0.3 0.1
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS 2.3 3.8 3.2 1.4 0.8 0.2
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE 2.8 2.7 2.6 0.2 0.1 0.2
VI. HEALTH 2.8 2.6 2.6 0.2 0.1 0.2
VII. TRANSPORT 3.6 -0.2 -2.4 0.6 -1.4 -1.3
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION 0.5 0.5 0.0 0.0 0.0 0.0
Source: Philippine Statistics Authority

                                                                        

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -