26.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Pagpapalakas ng produksyon at paggawa ng produktong mula sa gabi at iba pang mga katutubong pananim mula sa Bicol

- Advertisement -
- Advertisement -

Gayunpaman, naitala na bumaba ang produksyon ng gabi sa rehiyon mula 2020 dahil sa kawalan ng pormal o maayos na pamamahala ng tanim, mataas na insidente ng peste at sakit, at pagkalugi mula sa mga hindi nagamit o nabentang ani.

Upang muling mapasigla ang industriya ng gabi at iba pang mga katutubong pananim sa rehiyon, inilunsad ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DoST-PCAARRD) ang programang, “Boosting the Taro Industry and Indigenous Crops of the Bicol Region,” sa pakikipagtulungan ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).

Kasabay ng nasabing aktibidad, binanggit ni Project Leader Allan Del Rosario na ang layunin ng programa ay mapaunlad ang produksyon at pamamahala ng mga teknolohiya ng gabi at pataasin ang paggamit ng mga katutubong pananim sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t ibang mga produkto mula sa mga ito.

Ang pagkolekta ng mga mahuhusay na seleksyon ng gabi sa buong Bicol ay isa sa mga pangunahing bahagi ng nasabing programa. Susuriin ang mga koleksyon base sa kalidad ng kanilang mga dahon at ugat o ‘corm’ para sa paggawa ng produkto mula rito. Ang mga koleksyong ito ay pangangalagaan  sa ‘germplasm facility’ ng CBSUA at gagamitin para sa mga susunod pang pag-aaral.

Inihayag naman ni Dir. Leilani Pelegrina, mula sa Crops Research Division (CRD) ng DoST-PCAARRD, ang kaniyang pasasalamat sa CBSUA program team para sa kanilang  suporta at inisyatiba para sa industriya ng gabi sa Bicol upang matugunan ang mga problema sa industriya.

Maliban sa pagpapalaganap ng mga kaalaman ukol sa mga katutubong pananim sa nasabing rehiyon, ang programa ay inaasahan din na palalawakin pa ang pagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng mga information, education, and communication (IEC) materials na nagpapakita ng mga resulta sa pagpapabuti tungkol sa pamamahala, kultura, paggawa ng produkto, at mga mahuhusay na barayti ng gabi.

(Sinulat ni John Aaron Mark V. Macaraeg; Isinalin sa Filipino ni John Sedrick Roncal, DOST-PCAARRD S&T Media Services)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -