PINANGUNAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary at Intergovernmental Relations Body (IGRB) co-chair Amenah Pangandaman, kasama si Bangsamoro Minister Mohagher Iqbal, ang ika-20 na pagpupulong ng IGRB nitong Oktubre 11, 2024.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Secretary Mina si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagkilala nito sa mga hakbang ng IGRB tungo sa mas mahusay na pamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“As we move forward, let us remain committed to fostering peace, stability, and prosperity for all of Mindanao as we build a Bagong Pilipinas where no one is left behind in pursuit of our Agenda for Prosperity,” paghihimok ni Sec. Mina.
Sa panig ng national government, kasamang dumalo ng Budget Secretary sina Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr., at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya.
Nakatakdang idaos naman sa Disyembre ang ika-21 na pagpupulong ng IGRB.