28.1 C
Manila
Martes, Oktubre 15, 2024

Anton Ignacio, champion sa IJSBA World Finals 2024 sa US

- Advertisement -
- Advertisement -
TINANGHAL na champion si Anton Ignacio sa IJSBA World Finals na ginanap sa Lake Havasu City, AZ, United States.
Larawan mula sa Facebook page ng Philippine Sports Commisiion
Ayon sa Philippine Sports Commission Facebook page, nanalo si Ignacio sa  Pro Am 1100 Stock Event.
Ang International Jet Sports Boating Association (IJSBA) ay ang pinaka-prestihiyosong single personal watercraft sa buong mundo.
Si Anton ay nagsimulang manalo sa international league simula noong 2019 sa edad na 13. Siya ang nakakuha ng gold sa Grand Cultural Festival 2019 International Jet Race Challenge in Melaka, Malaysia.
Mula noon ay sunud-sunod na ang kanyang pagkapanalo. Ang kanyang pagkapanalo sa IJSBA World Finals 2024 ay lalong ikinatuwa ng kanyang mga magulang na sina Bombet at Joyce Ignacio.
Ang kanyang amang si Bombet ay isang international jet ski racer din na nakakuha ng sixth place sa Amateur 1100 Stock Category ng 2019 IJSBA World Finals sa Lake Havasu, Arizona.
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -