30.8 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

Panibagong buhay, handog ng Mag-negosyo ‘Ta Day

- Advertisement -
- Advertisement -
SAMPUNG dating mga rebelde na kasalukuyang nasa Campo Osito Bahian ng 403rd Infantry Brigade sa Malaybalay City, Bukidnon ang nakatanggap ng panibagong pagkakataon sa pamamagitan ng Mag-Negosyo Ta ‘Day Program (MTD) ng Office of the Vice President.
Sa pamamagitan ng OVP-Davao Satellite Office, ang bawat isa sa kanila ay tumanggap ng tig-Ph15,000 upang makapagsimula ng negosyo sa Poultry at Egg Production.
Ayon sa Commanding General ng 403rd IB na si Brigadier General Michelle Anayron, Jr., ang programang ito ay magiging susi upang magkaroon sila ng bagong pag-asa at sustainable na panghanap-buhay sa hinaharap.
Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng entrepreneurial opportunities sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -