26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

20 karagdagang Kadiwa sites bubuksan ng DA mula ngayong araw

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG bahagi ng layunin ng Administrasyong Marcos na ipaabot sa mga mamamayan sa mas maraming lugar sa bansa ang mura at de-kalidad na mga produktong pagkain, karagdagang 20 Kadiwa sites pa ang bubuksan ng Department of Agriculture (DA) simula ngayong araw sa pamamagitan ng programang Kadiwa ng Pangulo.

Layon nito na mapalawak pa ang access ng publiko sa sariwa at abot-kayang mga pagkain kabilang na ang ₱43 kada kilong bigas sa ilalim ng Rice-for-All program at ₱29 kada kilong bigas para sa vulnerable sector.

Ayon sa DA, kabilang sa mga lugar na may bagong Kadiwa outlet ang mga sumusunod na lokasyon sa Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Navotas, Quezon City, at Calamba sa Laguna:

  • Ocean Fish – Barangay 8, Caloocan
  • Barangay 28 Zone 3 Caloocan City – Site 1
  • Barangay 28 Zone 3 Caloocan City – Site 2
  • BFAR – Longos, Malabon City
  • Kalt Alles – NFPC-PFDA, NBBN, Navotas
  • 18 Tuazon, Barangay Potrero, Malabon
  • Kalt Alles – Potrero, Malabon
  • Sauyo, Quezon City
  • Barangay Canlubang, Calamba, Laguna
  • Barangay Daang Bakal, Mandaluyong City
  • Barangay Hulo Mandaluyong City
  • Barangay Addition Hills, Mandaluyong City
  • BFCT Bagsakan, No. 1 Marcos Highway, Marikina City
  • Barangay Tanong, Marikina City
  • Fortune Barangay Hall, Barangay Fortune, Marikina City
  • Concepcion Uno Barangay Hall, Concepcion Uno, Marikina City
  • Lot 12 Blk 4 R Thaddeus St. Marietta Romeo Village Barangay Sta. Lucia Pasig City
  • No 4 Geronimo, Philand Drive, Barangay Pasong Tamo, Quezon City
  • Zamora St. Cor A. Bonifacio, Barangay Sta. Lucia, Quezon City
  • Alley 4, Bulacan St., Barangay Payatas B, Quezon City

Sinabi ng DA na bukas at magseserbisyo ang naturang mga Kadiwa stores mula Lunes hanggang Linggo na pangangasiwaan ng Pantao Fisherfolks Consumers Cooperative at SRT Alcala Multi-purpose Cooperative.

Kasunod naman nito, plano ng DA na magtayo ng 10-15 bagong Kadiwa outlets bawat buwan hanggang sa Disyembre.

Itutuloy ito hanggang maabot ang target na magkaroon ng isang tindahan ng Kadiwa sa bawat isa sa 1,500 munisipalidad sa bansa. (PIA DMD)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -