27.4 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

PH nakibahagi sa high-level meeting para sa Global Accelerator on Jobs and Social Protection for Just Transitions

- Advertisement -
- Advertisement -

LUMAHOK ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DoLE), sa 4th Steering Group Meeting sa ilalim ng United Nations’ Global Accelerator on Jobs and Social Protection for Just Transitions Initiative na ginanap sa Geneva, Switzerland noong 01-02 Oktubre 2024.

Tinalakay ni DoLE Undersecretary Carmela Torres ng Employment and Human Resource Development Cluster, na kumakatawan sa Pilipinas bilang isa sa mga panelist sa United Nations’ Global Accelerator on Jobs and Social Protection for Just Transitions Initiative na ginanap sa Geneva, Switzerland noong 01-02 Oktubre 2024 ang karanasan ng Pilipinas sa Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council at multi-stakeholder cooperation sa ilalim ng Global Accelerator Initiative ng United Nations.

Layunin ng pulong na talakayin ang mga progreso na nakamit sa ilalim ng tatlong haligi ng Global Accelerator (hal., integrated policy approaches, integrated financing, at multilateral at multi-stakeholder cooperation), tukuyin ang mga oportunidad na nangangailangan ng suporta, at maka-ambag sa mga proseso para sa pandaigdigang pag-unlad (hal., Fourth International Conference on Financing for Development at World Summit for Social Development).

Nagsilbi bilang panelist si DoLE Undersecretary Carmela Torres ng Employment and Human Resource Development Cluster sa isa sa mga meeting session, partikular sa multi-stakeholder at multilateral cooperation.

Binigyang-diin ni Undersecretary Torres ang pangako ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng multi-stakeholder collaboration sa paglikha ng mga trabaho at pagtiyak ng panlipunang proteksyon para sa makatarungang pagbabago.

Idinagdag niya na layunin ng bansa na “gamitin ang mga oportunidad para sa pinagsama-samang panlipunang proteksyon, paggawa, mga patakarang pampamilya, at mga mekanismo sa paggawa upang mapangalagaan ang mga manggagawa sa mga sektor na ito.”

Aniya, ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Act, na ipinasa kamakailan, ay lalong nagpalakas sa pagsisikap ng bansa na makapagtatag ng komprehensibong balangkas para sa paglikha ng trabaho at panlipunang proteksyon habang binibigyang-pansin ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng iba’t ibang sektor upang isulong ang mga trabaho at panlipunang proteksyon.

Ipinaliwanag din ng opisyal ang papel ng TPB Inter-Agency Council, na nangangasiwa sa pagpapatupad ng TPB Act at bilang National Steering Committee para sa Global Accelerator Initiative sa Pilipinas.  Ang TPB Inter-Agency Council ay binubuo ng mga ahensya ng pamahalaan kasama ang National Economic and Development Authority at DOLE bilang mga co-chair, at mga kinatawan mula sa sektor ng employer, labor, marginalized, at informal sector.

Ang mga layunin ng TPB Plan ay masusi ding iaayon ng Council sa mga nilalayon ng Global Accelerator Program upang matiyak ang isang komprehensibong pamamaraan sa paglikha ng trabaho at panlipunang proteksyon.

Ang Pilipinas ang pinakahuling Pathfinder na bansa na sumali sa Global Accelerator Initiative noong 27 Marso 2024, na may pagtuon sa sektor ng transportasyon at konstruksiyon.

Ang mga bansa sa Pathfinder ay may kakayahang gamitin ang mga eksperto sa UN; pinagsamang estratehiya sa pananalapi at mga bagong oportunidad sa pagpopondo, paggabay, kasangkapan at suporta sa pagpapaunlad ng kapasidad para sa pinagsama-samang estratehiya, maging bahagi ng mataas na antas ng pandaigdigang dayalogo ng mga Pinuno ng Estado; at oportunidad sa pagbabahagi ng kaalaman.

Kasama ni Undersecretary Torres si Assistant Secretary Paul Vincent Añover at piling technical staff ng Bureau of Local Employment ng Kagawaran.

Magiging bahagi ang mga kasapi ng multi-stakeholder, kabilang ang hindi bababa sa 800,000 manggagawa mula sa dalawang prayoridad na sektor ng konstruksiyon at transportasyon, sa iba’t ibang mga konsultasyon sa pagbubuo ng balangkas at paunang implementasyon ng Global Accelerator Roadmap.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -