30.8 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

Mga katutubo at katutubong dunong: pahalagahan, pangalagaan at parangalan

- Advertisement -
- Advertisement -

SA buong buwan ng Oktubre, ang Pambansang Komisyon sa Katutubong Pamayanan ( NCIP), inaanyayahan ang buong bansa na makiisa sa selebrasyon ng Buwan ng mga Katutubong Pamayanan at ang ika-27 anibersaryo ng pagpapatibay ng Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) o Batas ukol sa Karapatan ng mga Katutubo.

Hinihikayat ni  Chairperson Jennifer Pia Sibug-Las ang lahat na ipagdiwang ang  2024 Indigenous Peoples Month Celebration at 27th IPRA Commemoration na may temang “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan at Parangalan.”

“Samahan nyo kami sa NCIP, para sa pagdiriwang sa taon na ito — sa  pagpapahalaga at pagtataguyod sa natatanging wika, mga kaugalian, salindunong/tradisyon at mga katangiang at dunong ng ating mga Katutubong Pamayanan bilang kaagapay at katuwang sa isang Bagong Pilipinas.”

Upang ipagbigay alam sa publiko, ipinaliwanag ni Sibug-Las ang pagdiriwang ng 2024 Indigenous Peoples Month at ika-27 na anibersaryo ng Batas IPRA (Indigenous Peoples Rights Act of 1997).

“Ang pagdiriwang na ito ay … naglalayong taasan ang kamalayan, kamulatan, at kaalaman ng publiko tungkol sa mga Katutubong Pamayanan at yung mga kultura at tradisyon, kaugalian at kasanayan at mga institusyon na dapat po malaman ng publiko na maintindihan na hanggang sa ngayon sa makabagong mundo ay nananatiling nakaukit ito sa ating mga Katutubong Pamayanan”, wika ni Chairperson Sibug-Las sa kanyang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon ng PTV-4.

Ibinahagi din ni Chairperson Sibug-Las ang mga naging panimulang kaganapan sa pagdiriwang na ito. Inilahad niya ang pagpapamalas ng mga Katutubong Lutuin upang maipakita ang aspeto nito sa buhay ng mga katutubo. Binigyang diin rin nito ang Culture Bearer’s Conference na ilulunsad sa katapusan ng Oktubre upang mapag-usapan ang tamang paggamit ng tradisyonal na kasuotan ng mga Katutubong Pamayanan, at iba pang usapin ukol sa pagpapayaman ng pamayanang kultural.

Inilahad din niya na ang pagdiriwang na ito ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Dahil dito, inilahad niya ang mga iba’t ibang programa ng pamahalaan na naglalayong itaguyod ang mga karapatan ng mga katutubo at mapabuti ang kanilang pamumuhay.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -