PATUNGO na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vientiane, Lao PDR upang dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits, kung saan muli niyang isusulong ang kooperasyon sa mga prayoridad na larangan gaya ng food at energy security, trade at investment, supply chain resilience, MSMEs, climate action, at iba pa.
Pinagtibay ni Pangulong Marcos Jr. ang dedikasyong itaguyod ang interes ng bawat Pilipino sa 44th and 45th ASEAN Summits and Related Summits sa Lao PDR.
Ayon sa Pangulo, pagtutuunan ng pansin sa mga pulong ang regional connectivity, resilience, at sustainable development. Dagdag niya, pagkakataon ang mga summit para kanyang maisulong ang isang bukas, inklusibo, at rules-based international order, pati na rin ang mapayapang pagresolba ng mga isyu sa rehiyon.