LIMANG taon mula noong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte and Rice Tariffication Law (Republic Act No. 11203), ano na ang epekto ng batas sa rice industry? Bumaba ba ang presyo ng bigas? Ano ang epekto nito sa produksyon, gastos sa produksyon, ani kada ektarya at consumption? Sino ang may pinakamalaking pakinabang sa batas na ito?
Pagkatapos ng maraming dekadang regulasyon ng presyo at mahigpit na paghawak ng National Food Authority (NFA) sa bilihan at pag-import ng bigas, noong 2019, nagpasya ang pamahalaan na ireporma ang rice industry. Tinanggal ang monopoly ng importation ng NFA at niluwagan ang pagpasok ng mga market players sa merkado ng bigas. Layunin ng Rice Tariffication Law ng 2019 (RTL) na gawing makabago ang agrikultura at gawin itong mas competitive sa pamamagitan ng pagluwag sa importasyon, eksportasyon at bilihan ng bigas. Tinanggal ng batas ang quantitative import restriction (o tinatawag na QR) at pinalitan ito ng taripa. Sa pamamagitan ng RTL, maaari nang mag-import ang sinumang negosyo o indibidwal ng bigas pagkatapos magbayad ng 35% hanggang 50% na taripa.
Ano ang epekto ng batas sa presyo ng bigas?
May apat na presyo na mino-monitor ng Philippine Statistics Authority. Tatlo sa mga ito ang domestic prices o presyo sa Pilipinas. Ang una ay ang farmgate price. Ito ay ang presyo ng pagtinda ng magsasaka sa tarangkahan ng sakahan. Ang itinitinda sa tarangkahan ay hindi pa nagiling na palay ngunit tuyo na (o dry palay).
Ang ikalawa ay ang wholesale price. Ito ay ang presyo ng pagtinda ng magsasaka o ang gilingan sa mga wholesaler (o namamakyaw). Ang bigas na ito ay nagiling na at maari nang lutuin.
Ang ikatlo ay ang retail price. Ito ang presyo ng pagtitinda ng mga libo-libong tindahan sa buong kapuluan sa mga consumer o mamimili.
Ang ikaapat ay ang world price o ang presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado. Kung tayo ay mag-import ito ang presyong hinaharap natin. Ang usually ini-import ng Pilipinas ay ang white rice 5% brokens na may presyong nakalathala sa website ng Thailand Rice Exporters Association. Maraming presyo ang iba’t ibang klase ng bigas ngunit ang Thailand price ng white rice 5% brokens ang pinakamalapit sa average rice n aini-import natin. Ang world price ay denominated sa US dollar (USD) ngunit ikino-convert natin ito sa Philippine pesos (Php) para mas madaling makumpara at maintindihan.
Ang mga presyong ito mula sa 2018 hanggang unang pitong buwan ng 2024 ay nakasaad sa Table 1. Mayroon pang isang presyo na tawagin nating deflated price. Tinatanggal nito ang epekto ng pagbaba ng halaga ng piso para makumpara nang patas ang epekto ng batas. Ang ginagamit natin ng mga ekonomista sa pagtanggal ng halaga ng piso sa presyo ang Gross Domestic Product (GDP) deflator index. Ipinapakita ng index ang average na presyo ng lahat ng goods at services sa ekonomiya. Gamitin nating base year ang 2018, isang taon bago mapirmahan ang batas.
Lumalabas sa Table 1 na lahat ng domestic prices, farmgate, wholesale at retail, ay bumaba pagkatapos mapirmahan ang batas—hanggang 2021 sa halos lahat ng domestic prices at hanggang 2022 kapag deflated prices ang titingnan. Tumaas lang nang bahagya ang retail prices noong 2021. Ang deflated world price naman ay bumaba noong 2019, tumaas noong 2020, bumaba ulit noong 2021 kung saan ito nanatili noong 2022 ngunit umakyat ulit noong 2023 at 2024 dahil nasira ang ani ng bigas sa mga malaking bahagi ng mundo kabilang ang India na nag-impose ng export ban. Ang pagkasira ng pananim ay dahil sa tindi ng El Nino.
Tingnan natin kung paano gumalaw ang mga presyo sa Table 2. Ipinapakita ng Table 2 kung paano gumalaw ang mga presyo mula noong 2018. Ang mga growth rates na ito ay kumulatibo. Ikinukumpara ang pagbaba ng presyo mula 2018 noong wala ba ang RTL.
Lahat ng domestic prices ay bumaba pagkapasa ng batas. Ang pinakamalaking pagbagsak ay sa mga presyong pinakamalaki ang distortion. Sa lahat ng domestic prices, ang farmgate price ay may pinakamalaking pagbagsak. Ito ay inaasahan dahil ang QRs na may epekto hanggang ikalawang buwan ng 2019 ay naglayong pataasin ang presyo ng palay sa farmgate. Ang QR ay ipinapatupad ng NFA at kadalasan, ang import volumes na itinatakda ng NFA ay mababa kaysa sa demand sa merkado. Dahil ang available na domestic supply ng rice (na kapareho ng production plus imports less exports at mga ginagawang seeds, o feeds ng kahayupan) ay hindi sapat para sa consumer demand, bumaling ang mga consumer sa noodles at pandesal o kaya’y di na lang kakain o kakain lang ng kaya ng kanilang budget. Ang deflated farmgate price ay bumaba ng 18.6% noong 2019, 23.1% noong 2022 at 11.7% noong 2023. Ngunit dahil sa pagtaas ng world price, umakyat ang presyo ng 1.2% noong unang pitong buwan ng 2024 kumpara sa 2018. Nakabawi ang mga magsasaka noong 2024.
Ang sumunod na pinakamalaking pagbagsak ay ang wholesale price. Bumagsak ang wholesale price ng 8.4% noong 2019 hanggang 14.2% noong 2022. Umangat ito sa pagbagsak na 10.5% noong 2023 at 2.4% noong unang pitong buwan ng 2014. Malaki din ang distortion sa wholesale price. Bago naisabatas ang RTL, ang NFA ay ang tanging regulator ng induystriya at tanging importer sa buong bansa. Nang nagsimulang gamitin ng NFA ang mga private traders, ang NFA ay pumipili sa mga nag-iimport ng bigas at ang pinipili nito ay mga malalaki ang kapitalisasyon at establisadong importer lamang. Dahil nito, limitado ang price competition at may price distortion na pabor sa wholesalers.
Ang retail price ay bumaba sa mas maliit na antas; 8.4% noong 2019 hanggang 14.2% noong 2022 bago bumalikwas ng 10.5% noong 2022. Noong nagtaasan ang world price noong 2024, nagkaroon ng ganansya ang retailers. Ang dahilan nito ay mababa ang price distortion sa rice retailing. Ayon sa pag-aaraL nina Briones at de la Pena noong 2015, kahil regulated ito ng NFA, madaling pumasok sa rice retailing dahil madaling kumuha ng lisensiya. Dahil nito, libo-libo ang mga retailers na nagkukumpetensiya sa rice retailing sa lahat ng sulok ng bansa.
Noong 2023, sa bawat kilo ng bigas, ang wholesale price ay may pinakamalaking pagbagsak na P5.20 na kasunod ng farmgate price na P1.98. May kaunting ganansya na P1.19 ang retail price. Noong unang pitong buwan ng 2024, ang bagsak ay P0.86 sa wholesalers, ganansya na P0.84 sa retailers, at ganansya na P0.20 ng magsasaka.
Sa lahat ng mga stakeholder ng industriya, ang konsumer ang may pinakamalaking benepisyo sa mga galaw ng presyo—-pagbaba na 8.4% noong 2019, 11.5% noong 2020, 10.4% noong 2021, 4.2% noong 2022, at 10.5% noong 2023. Ngunit dahil sa pandaigdigang pagtaas ng presyo ng bigas, tumaas na ang presyo sa 2.2% noong 2024. Natuldukan ang pagdurusa ng mga consumer noong 2019 ngunit kabilang din siya sa mga apektado sa pandaigdig na galawan ng presyo. (Table 2)
Naging mas competitive ang rice market ng Pilipinas dahil sa RTL. Lumiit ang ratio ng traders’prices sa world price. Bumaba ang ratio ng wholesale price mula 1.79 noong 2019 sa 1.42 noong 2022. Mas malapit na siya sa taripang 35% na binabayaran ng imported na bigas. Bumaba rin ang ratio ng retail price mula 1.97 sa 1.58. Ganoon din ang ratio ng retail price sa farmgate price mula 2.52 sa 2.27. (Table 3)
Ang revenue collection ng pamahalaan galing sa tariffs sa bigas ay umabot sa P99.3 billion mula 2019 hanggang 2013. Ayon sa RTL, gagamitin ang P10 bilyon sa mga taripang ito sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na allocated sa mekanisasyon (50%), seeds (30%), credit (10%) at extension services (10%). Ang layunin ay pataasin ng productivity at profitability ng pagsasaka sa pamamagitan ng production at postproduction mechanization technologies. Ang sobra sa P10 bilyon ay gagamitin na tulong sa mga rice farmers bilang ayuda, pagtitulo sa mga lupain nila, pagpapalawig ng rice crop insurance at ng crop diversification program. Bibigyan ng P5,000 na unconditional cash support sa bawat eligible na magsasaka. Ngayong taon, may badyet na P12 bilyon ang ayuda para sa 2.4 milyong magsasaka.
Dahil sa mga programang ito, tumaas ang produksyon ng palay mula 19.1 milyon metric tons noong 2018 sa 19.8 milyon noong 2022, 0.9% na annual growth. Ngunit mababa pa ito kumpara sa 1.6% na annual growth ng populasyon.
Ang production cost ng bigas ay bumaba ng 4.5% mula P11.76 bawat kilo noong 2018sa P11.23 bawat kilo noong 2020. Ngunit tumaas ito noong 2021 at 2022 dahil sa pagtaas ng presyo ng labor, fertilizer at iba pang inputs. Tumaas din ang ani ng bigas kada ektarya mula 3,972 kilo noong 2018 sa 4,110 kilo noong 2022.
Ilan pa sa tumaas ay ang supply ng bigas sa merkado at sa kalaunan, ay ang antas ng consumption. Nang nawala ag mga QR at mga lisensiyang kailangan para mag-import at bumaba ang presyo ng bigas, tumaas ang supply ng bigas ng 2.7% bawat taon noong apat na taon mula noong naging epektibo ang batas (2019-2022). Ito ay mas mataas kaysa 1.8% bawat taon bago maipasa ang batas o ang period mula 2014 hanggang 2018. Ang pagtaas ng supply at pagbaba ng presyo ay hudyat para ang mga mamimili ay makapag-budget nang sapat para sa hapag-kainan. Ang mga dating di kumakain, kumakain nang kaunti, o kumakain lang ng noodles at pandesal ay kumakain na nang sapat dahil sa paglago ng consumption ng 4.66% bawat taon, mahigit sa dalawang porsyentong paglago kaysa 2.62% noong 2014 hanggang 2018.
Table 1.RICE PRICES | ||||||||||||||
World | World | World | Philippines | Philippines | Philippines | Philippines | Farmgate | Farmgate | ||||||
Export | Export | Export | Wholesale | Wholesale | Retail | Retail | Price | Price | ||||||
Price/ KG | Price/ KG | Price/ KG | Price/KG | Price/KG | Price/KG | Price/KG | Dry Palay | Dry Palay | ||||||
Php
Deflated |
Php Deflated | Php Deflated | Per Kilo | Php
Deflated |
||||||||||
USD | Php | 2018=100 | Php | 2018=100 | Php | 2018=100 | Php | 2018=100 | ||||||
White 5% brokens | Well Milled | |||||||||||||
2018 | 0.42 | 22.15 | 22.15 | 42.42 | 42.42 | 44.99 | 44.99 | 20.09 | 20.09 | |||||
2019 | 0.42 | 21.64 | 20.87 | 38.80 | 37.43 | 42.73 | 41.22 | 16.95 | 16.35 | |||||
2020 | 0.50 | 24.64 | 23.53 | 37.87 | 36.16 | 41.68 | 39.80 | 16.76 | 16.00 | |||||
2021 | 0.46 | 22.57 | 21.07 | 37.70 | 35.20 | 43.18 | 40.31 | 16.76 | 15.65 | |||||
2022 | 0.44 | 23.79 | 21.07 | 38.36 | 33.97 | 43.58 | 38.60 | 17.44 | 15.45 | |||||
2023 | 0.55 | 30.08 | 25.54 | 42.72 | 36.26 | 47.41 | 40.25 | 20.90 | 17.74 | |||||
2024* | 0.62 | 33.85 | 27.82 | 50.36 | 41.40 | 55.94 | 45.99 | 24.73 | 20.33 | |||||
Sources: Thailand Rice Exporters Association & Philippine Statistics Authority |
Table 2. REAL PRICE MOVEMENTS OF RICE DUE TO THE RICE TARIFFICATION LAW | |||
Cumulative % Change Since 2018 | |||
Wholesale | Retail | Farmgate | |
per kg | |||
2019 | -11.8% | -8.4% | -18.6% |
2020 | -14.8% | -11.5% | -20.3% |
2021 | -17.0% | -10.4% | -22.1% |
2022 | -19.9% | -14.2% | -23.1% |
2023 | -14.5% | -10.5% | -11.7% |
2024* | -2.4% | 2.2% | 1.2% |
Cumulative Price Gains/-Losses in Php, 2018=100 | |||
per kg | |||
2019 | -4.22 | -3.19 | -3.16 |
2020 | -5.29 | -4.39 | -3.45 |
2021 | -6.10 | -3.95 | -3.75 |
2022 | -7.13 | -5.40 | -3.92 |
2023 | -5.20 | -4.01 | -1.98 |
2024* | -0.86 | 0.84 | 0.20 |
*January to July | |||
Source: Philippine Statistics Authority |
Table 3. PRICE RATIOS, 2018-2023
Wholesale | Retail | Farmgate | Retail | |
Price to | Price to | Price to | Price to | |
World | World | World | Farmgate | |
Price | Price | Price | Price | |
2018 | 1.91 | 2.03 | 0.70 | 2.24 |
2019 | 1.79 | 1.97 | 0.60 | 2.52 |
2020 | 1.54 | 1.69 | 0.52 | 2.49 |
2021 | 1.67 | 1.91 | 0.57 | 2.58 |
2022 | 1.61 | 1.83 | 0.56 | 2.50 |
2023 | 1.42 | 1.58 | 0.53 | 2.27 |
2024* | 1.49 | 1.65 | 0.56 | 2.26 |
Sources of basic data: PSA at TREA
Table 4. TARIFF COLLECTIONS FROM RICE |
||
In Billion Pesos | ||
2019 | 12.14 | |
2020 | 15.50 | |
2021 | 18.90 | |
2022 | 22.84 | |
2023 | 29.93 | |
TOTAL | 99.31 | |
Source: Bureau of Customs |
Table 5. PRODUCTION, COST & YIELD | ||||
PRODUCTION | COST/kg | COST/kg | YIELD/ha | |
Thousand Metric Tons | Php | Deflated | KG | |
of Palay | 2018=100 | |||
2018 | 19,066.11 | 11.76 | 11.76 | 3,972 |
2019 | 18,815.34 | 11.45 | 11.37 | 4,045 |
2020 | 19,295.47 | 11.50 | 11.23 | 4,089 |
2021 | 19,960.62 | 12.02 | 11.48 | 4,154 |
2022 | 19,757.25 | 14.98 | 13.57 | 4,110 |
Growth | 0.9% | 6.2% | 3.7% | 0.9% |
Source: PSA |
Table 6. IMPACT OF RTL ON GROSS SUPPLY & CONSUMPTION | |||||
GROSS SUPPLY* | GROWTH (%) | CONSUMPTION | GROWTH (%) | ||
MT of milled rice | YOY | MT of milled rice | YOY | ||
2013 | 14,981 | 6.03% | 11,354 | -1.66% | |
2014 | 15,618 | 4.25% | 11,421 | 0.59% | |
2015 | 16,010 | 2.51% | 11,336 | -0.74% | |
2016 | 15,332 | -4.23% | 11,134 | -1.78% | |
2017 | 16,256 | 6.03% | 12,407 | 11.43% | |
2018 | 16,761 | 3.11% | 12,666 | 2.09% | |
2019 | 17,974 | 7.24% | 13,779 | 8.79% | |
2020 | 17,513 | -2.56% | 13,625 | -1.12% | |
2021 | 18,353 | 4.80% | 14,887 | 9.26% | |
2022 | 18,643 | 1.58% | 15,200 | 2.10% | |
AVERAGE GROWTH (2014-18) | 1.78% | 2.62% | |||
AVERAGE GROWTH (2018-22) | 2.70% | 4.66% | |||
Source: PSA |